kaugnay ng mundong ito ang www.luneta.blogdrive.com.
kung bakit ito nabuo ay siya ring dahilang nagpalaboy-laboy ako at huminto sa panibagong espasyo.

halika, maligaw at mawala tayo.












one night i asked the moon,
"why are you as radiant as you are?"
then the moon answered,
"because i want to reflect how beautiful you are."

--luna--














::the lunatic toi::



:: may toio na naman ::


::was born on a full moon, Maundy Thursday::

::has turned 27 on the 8th of April::

::was a product of a Hippie mom and a funny dad who met each other in a disco place::

::whose mother was a die-hard Julie Vega fan while conceiving::

::has 27 letters in her full name::

::whose namesake is the Queen of France, who was guillotined during the French Revolution::

::whose second name means "flourishing and praiseworthy"::

::was a wolf during her past life::

::uses her hands more than anyone else while talking::

::who knows sign language:) - or invents one::

::has a mole in her right foot::

::has no teeth cavities!:)::

::is a spa devotee::

::is a movie addict::

::loves any kind of Sinigang dish (yum)::

::loves isaw::

::loves everything about UP Diliman!::

::crazy about life::










   


<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31








DUMAAN AKO
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
at makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

MANINGNING MICLAT




















SALAMAT

sa pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/TOILUNA.2007












Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


blogdrive

Wednesday, October 22, 2008
Pinas mode:)

 

maraming beses na kitang nilayasan

iniwanan at iba ang pinuntahan

parang babaeng mahirap talagang malimutan

ikaw lamang ang aking laging binabalikan…

 

 

 

            dahil ikaw lang naman ang aking tahanan.  mayroon man o walang mga babaeng pagmamasdan,  hindi naman matatalbugan ang iyong kagandahan.  panay-panay at pagbabago'y hindi maiiwasan, wala pa ring katumbas ang dulot mong kaligayahan.

 

 

            at sa muling pagtungtong ko sa iyong kanlungan, sasariwaing-walang-sawa kahit pa panandalian – itong hiwaga at misteryong ipinangangalandakan, ng ikaw at ng pinaka-minamahal kong bayan.

 

 

            kaya kung hindi man maipinta itong halo-halong pakiramdam – ng pananabik, ng pag-aatubili'y walang bahid ng agam-agam; malapit na  malapit na akong tumambad sa iyong harapan.  sasalubungin nang mga ngiti at yayakapin nang lubusan.

 

 

 


ART SOURCE

salamat sa Hotdogs sa kanta nilang Manila.

weeehooJ ilang tulog na lang, nandyan na ako!

 

 

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-01:03 am ni toi raquiza
(1) ang may toio

Monday, October 06, 2008
no signboard

ART SOURCE

 

 

 

ayokong magpaskil ng kahit anong ilusyon, delusyon at desisyon.

 

 

dahil ang mundo ay isang malawak na konstelasyon.  maraming parabula, maraming ilustrasyon.  marami mang mabuong teorya ang imahinasyon, malayo itong dumating sa isang konklusyon.  mag-hunos-dili at subukang huminahon.  walang puwang maski itong tinatawag na pagkakataon.  hindi ngayon ang tamang panahon.  sasakit lang ang ulo ko't mababaliw pagkalaon.

 

 

dahil ako ay isang satelayt sa kalawakan.  hindi magmamaliw halintulad ng buwan.  panay-panay na senyales ang nasa aking harapan; wala namang ni isang signos ang lubusang maintindihan.  kailangang mag-atubili, kailangang magdahan-dahan.  walang pinanghahawakang maaaring paniwalaan.  isang obrang ipinanta sa pisara ng kawalan.  isang kwentong maaaring nasa guni-guni na lamang.  mawawala papalayong hindi man lang nasasaksihan.

 

 

 


I am a satellite,

never getting signals right.
You are a constellation.
I can barely make you out tonight.

 

:: Lawrence Arms ::

 

 

 

 



currently reading:
Neverwhere: A Novel
By Neil Gaiman


LSS:
On the Radio
By Regina Spektor


naisulat noong ika-03:04 am ni toi raquiza
(7) ang may toio

Tuesday, September 02, 2008
nitong ligaya

 

ART SOURCE

wala namang direct translation ito.  kahit napakaraming maaaring mabuong teorya o kuro-kuro.  kahit magtanong ka pa kung kani-kanino.  may tiyansa kang manghula kung hindi sigurado.  hindi ko rin naman alam kung papano, ipapaliwanag nang mabuting hindi nagugulo ang utak ko -- itong ligayang nadarama ng aking puso; baka lumao't hindi magtagal ay maiintindihan ko...

 

 

kung paanong hindi pangandapatin ng mga salita, kung paanong hindi lubusang mahimay ng nag-uumapaw na mga diwa.  kung bakit palagiang napupunta sa wala, itong pagnanais kong ikulong sa tula; itong pagnanasa kong isulat sa titik at letra o iukit at iguhit ng ngiting hindi mabura – ang ligayang nakapaskil sa aking mga mata; huwag naman sanang lumisan at dagliang mawala.

 

 

dahil wala namang sigurong kailangan eksplenasyon.  kung anuman ang dahilan at kung anuman ang rason.  kung anuman ang katumbas o panumbalik na reaskyon; kung may puwang ba ang komplikasyon o may mga kundisyon; kung mayroon ba at ano ang magiging konklusyon.  kung ano man o ikaw man ang dahilan ngayon – nitong ligayang hinintay ko nang matagal na panahon; nawa'y sa mundo ko manatili, pumirmi at huminahon.

 

 

 

 

 



binabasa ang:
The Stone Gods
By Jeanette Winterson


naisulat noong ika-10:19 pm ni toi raquiza
(10) ang may toio

Tuesday, July 08, 2008
baka-sakali

PHOTO SOURCE

 

sige lang, huwag kang matakot.  huwag kang gupuin ng bangungot.  masalimuot man ang paglimot.  huwag balutin ng pag-iimbot.  baka sakaling ang mga panaginip ay nakakarating hanggang langit.   may pakpak at hiwaga ng mga anghel at pag-ibig.

 

 

sige lang, huwag mag-alinlangan sa lalim ng bangin sa iyong harapan.  kung magpatihulog ka man nang tuluyan.  iwaksi ang iyong kaba.  may sasalo sa iyong mga diwata.  hindi kailangan ang mangamba.  baka sakaling umiibig rin sila, tulad ng buwan at mga tala. 

 

 

sige lang, huwag mag-alintana.  maligaw man sa talinghaga ng hindi mo pa nakita.  tahakin ang daang binabalot ng misteryo.  baka sakaling matagpuan mo rin ako.  may ngiti sa harap mo at baka laman na rin ng iyong puso.

 

 

naisulat noong ika-06:28 am ni toi raquiza
(4) ang may toio

Monday, June 23, 2008
hindi ako isang superhero

 

ART SOURCE

 

 

sa totoo lang ay ayaw ko nang maging superhero.  ayaw ko ng maging tagapagligtas ng mga gustong tumalon sa bangin.  at ayaw ko na ring maging tagapag-sagip ng mga nalulunod sa malalim. 

 

 

kung bakit ba palagian na lang akong nakahandang mag-alay ng isang kamay ko, ng buong braso ko, ng buong puso ko, ng buong buhay ko; sa lahat ng nagpapaubaya at lugmok sa pag-iisa at tumatalon sa matarik upang sa kalungkutan ay lumaya?  kung bakit ba palagian na lang akong nangangahas mailigtas ang kung sinumang nagpapatihulog sa talon ng mga luha at nagpapatangay sa agos ng pagka-ulila? 

 

 

sa totoo lang naman ay mabilis mapigtas ang aking kapit.  at ang totoo lang naman ay mabilis akong mangawit.  sa totoo lang naman ay mabilis akong gupuin ng pamumulikat at atakihin ng pagkamanhid.  sa totoo lang naman ay hindi ako marunong lumangoy o sumisid.

 

 

sa totoo lang ay ayaw ko nang maging superhero.  ang nais ko lang naman ay umibig at magmahal.  ibigin at mahalin.  maging mahinahon at payapa; kesa hodang may sasagip sa akin o wala; kung naisin ko mang magpatihulog na rin at lusungin -- itong pag-ibig na humahamon sa akin.

 

 

 


AFTERTHOUGHT:

 

:: my biggest fear will be the rescue of me,

strange how it turns out that way ::

 

:: echo, incubus ::


naisulat noong ika-01:52 am ni toi raquiza
(2) ang may toio

Thursday, June 19, 2008
anxiety disorder

 

ART SOURCE

 

 

paano nga ba hihinahon itong hindi mapakali?  paano kung naka-destino kang hindi pumirmi? – sa isang bagay o lugar o tao o panahon?  paano mo hahamakin ang pagkakataon?  paano ka magiging handang sumabak sa isang sitwasyon?  paano mo malalaman ang inililihim ng ngayon?

 

 

paano nga ba lilipulin ang pangamba?  paanong lalabanan ang alinlangan at kakayanin ang kaba?  paano matatagpuan itong hinahanap na payapa, kung sa bingit ng pag-ibig ay magpapatihulog ka ring bigla?  paanong iisnabin ang pag-irog sa iyong dambana?  paano mo malalamang hindi mo na kailangan pang mag-alintana? 

 

 

paano nga ba hihinahon itong hindi mapakali? paano at kailan itong hindi mo na kailangang mag-atubili? o magmadali sa lahat ng mahahabol at hindi?  mayroon ka pa nga bang hinihintay na sandali? paano at kailan ka maaaring magsimula muli?

 

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-12:44 am ni toi raquiza
(2) ang may toio

Wednesday, June 18, 2008
...

 

 

 

 

 art source

 

 

 

 

she is the still point of the turning world

 

:: The Virgin Suicides; Sofia Coppola ::

 

 

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-11:18 pm ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Saturday, May 31, 2008
ako ang...

 

art source: heart drawn in sand

 

ako ang tulang hindi mo mabasa

hitik sa malabong tema at mga letra.

ako ay itong melodramatikong kanta

umuulit na mga titik ng isang sirang-plaka.

 

 

ako ang palasyong binuo sa may aplaya

bumabalik sa alon sa pagkurap ng iyong mata.

ako ay isang maningning na tala

pukulin ng hiling ang aking dambana.

 

 

ako ang daang liko-liko't may babala:

maging-handa't mag-ingat sa hindi pa nakita.

ako ang ulan sa iyong parada

sumasaliw sa pagbuhos ng iyong pag-asa.

 

 

ako ang hindi-mapirming biyahera

hinahon ang hanap nitong pagal kong mga paa.

ako ang pag-ibig sa iyong haraya

nang-aagaw ng bait, sumisira ng diwa.

 

 

 

 





naisulat noong ika-02:14 am ni toi raquiza
(4) ang may toio

Thursday, May 08, 2008
balangaw

 

ART SOURCE: RAINBOW BY GREEN WOMAN

 

 

sa tuwing tinatakluban

ng madilim na ulap

ang mga talukap

ng iyong mga mata…

at sa tuwing tinatakpan

sa bawat isang iglap

ang mga pangarap

ng bumabahang luha…

 

 

panay-panay at mistula man

ang pagguho ng mundo

hindi mo man maintindihan

ang sanlaksang delubyo

damhin sa pagpatak ng ulan

ang tibok ng iyong puso

doon mo rin matatagpuan

biyayang nagliwanag sa ginto.

 

 

 

 

naisulat noong ika-04:53 am ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Tuesday, May 06, 2008
vertigo

 

art by Byron Werner

Source

 

paano ka nga ba  makakapag-sulat kapag masyadong mabilis ang ikot ng mundo? paano mahahabol ng mga salita o ng katahimikan o ng mga napiping letra; ang lahat ng sumisirko-sirkong laman ng iyong diwa?

 

 

paano at saan mailalagay ang mga puwang, mapupunan ang mga patlang nang isang-libo't-isang-daang-sangang-daang eksenang kumakarera sa iyong dambana?  paano hihimayin at gagayat-gayatin ang lahat ng damdaming iyong nadarama?

 

 

paano at saan mo matatagpuan ang payapa at hinahong hinahanap-hanap ng iyong mga mata?  paano makikipagsabayan sa takbo nitong mundo ang walang-hanggang mga tulang namumutawi sa puso ko?

 

 

 

 

 

 



currently reading:
The Ringmaster's Daughter
By Jostein Gaarder


LSS:
Vertigo
By U2


naisulat noong ika-11:55 pm ni toi raquiza
(2) ang may toio

Previous Page Next Page