kaugnay ng mundong ito ang www.luneta.blogdrive.com.
kung bakit ito nabuo ay siya ring dahilang nagpalaboy-laboy ako at huminto sa panibagong espasyo.

halika, maligaw at mawala tayo.












one night i asked the moon,
"why are you as radiant as you are?"
then the moon answered,
"because i want to reflect how beautiful you are."

--luna--














::the lunatic toi::



:: may toio na naman ::


::was born on a full moon, Maundy Thursday::

::has turned 27 on the 8th of April::

::was a product of a Hippie mom and a funny dad who met each other in a disco place::

::whose mother was a die-hard Julie Vega fan while conceiving::

::has 27 letters in her full name::

::whose namesake is the Queen of France, who was guillotined during the French Revolution::

::whose second name means "flourishing and praiseworthy"::

::was a wolf during her past life::

::uses her hands more than anyone else while talking::

::who knows sign language:) - or invents one::

::has a mole in her right foot::

::has no teeth cavities!:)::

::is a spa devotee::

::is a movie addict::

::loves any kind of Sinigang dish (yum)::

::loves isaw::

::loves everything about UP Diliman!::

::crazy about life::










   


<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31








DUMAAN AKO
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
at makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

MANINGNING MICLAT




















SALAMAT

sa pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/TOILUNA.2007












Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


blogdrive

Wednesday, July 22, 2009
eklips

 

 

habang tinatakluban ng anino ng bagong buwan

ang sikat at liwanag ng musmos na umaga

mistulang lumuluha sa tuwa ang mga diyosa’t diwata

yumayakap sa hangin ang tamis ng pag-ibig

tunog ng daang-libong tibok ng pusong nahuhulog mula sa langit

larawan ang buong mundo ng hinahon at payapa

at parang huminto ang oras nang mahigit pa sa kisapmata

hindi ipagpapalit at wala nang babaguhin

bukod sa hiwaga ng sandaling ito’y ikaw sana ay kapiling.

 

 

 

 


ART SOURCE

umuulan kaninang umaga kung saan ako nandito

habang ang total solar eclipse ay nagaganap

at nasasaksihan sa ibang parte ng mundo. 

maganda ang patak ng ulan sa umaga

at napapikit ako muli sa dalanging sana ay kasama kita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 



eclipses remind me of the song:
Ordinary Day
By Vanessa Carlton


naisulat noong ika-03:53 am ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Tuesday, June 30, 2009
she.me.you.her.us.

 

 

 

 

 

 

 


 

itong naka-paskil sa itaas, nakita ko nung gumala-gala ako sa love exists. 

super astig.:)

 

hindi ako makahuli ng mga salita o makabuo ng mga tula nitong nakaraan.

ligaya, ligaya, ligaya…walang mapaglagyan at umaapaw na ligaya.

nakakapipi ng letra ngunit hindi ko naman iniinda -

palagiang umiibig at walang humpay ang ligaya. :)

 

 

napag-usapan namin ni Tina na malamang sa malamang ay gagawa ako ng isang photoblog ang pamagat: Captured Words. 

 

mga salitang nahuli, hinuli, nakita, nakuha.  mga salitang nakunan pero hindi nakukulong ng camera.  mga salitang dumapo, dumating o bumisita sa akin.  mga salitang natagpuan kahit hindi na hanapin.  babalitaan ko na lang kayo kung nasimulan ko nang gawin.:)

 

 


 

 

 

 

 

 

 



binabasa ang:
I Was Amelia Earhart
By Jane Mendelsohn


naisulat noong ika-10:32 pm ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Thursday, May 28, 2009
ang tula ng pag-ibig sa makata

 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Ng kahit anong nararamdaman

O kahit anong iniisip mo.

Ng anumang hinahanap-hanap

O lahat ng pumupuno

Ng iyong kalinangan,

Ng iyong pagkatao.

 

 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Ng anumang kathang-isip

at hindi totoo.

Ng anumang nilalaman

ng imahinasyon mo

Ng iyong haraya

Ng iyong buong puso.

 

 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Huwag kang papipigil

sa kapangyarihan ko.

Akong binibigo ng mga salita't

Naulila sa mundong

Sa iyo na lang umiinog

Sa iyo na lang nabubuo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

ang tula ng pag-ibig sa makata

o kung bakit wala akong maisulat nitong kay tagal na.

ang puso ko'y nalunod na sa labis na ligaya. 

hinamak na ng pag-ibig pati ang mga salita at tula.

 

ART SOURCE

 


 

 

 

 

 

naisulat noong ika-01:52 am ni toi raquiza
(2) ang may toio

Wednesday, March 11, 2009
LDR

 

ART SOURCE

 

Parang ang bagal ng takbo ng panahon kung wala ka

Alam kong walang dapat sisihin na ako'y nandito at nandiyan ka.

Pero dahil sa malayo ka, ako'y nalulungkot na…

Gusto na kitang makita; gusto na kitang makasama

Tayong dalawa…

 

 

:: Gusto na kitang Makita : Session Road ::

 

 

 

kung bakit tayo nababagot sa kung nasaan tayo

ay dahil wala ako diyan at wala ka rin dito.

 

 

kaya siguro palagian na lang itong pakiramdam na gusto kong magtago o kaya ay gusto kong mag-teleport at biglang umeskapo.  kung bakit nakakapagod minsan ang makihalubilo ay dahil paulit-ulit na lang ang mga tagpo o dahil walang bago sa mga senaryo.  o dahil sa hindi ko matagpuan sa madla ang iyong mukha o dahil ikaw lang ang hinahanap-hanap ko at gusto kong makita. 

 

 

kaya siguro pakiwari ko'y napakabagal uminog ng mundo at mistulang ang oras ay nananadya pa at naunukso.  parang ang lahat ay nasa slow-motion mode at mina-migraine na ako sa kakapanood.  kung bakit nakakaumay na ang mga araw na ordinaryo at ang mga gabi'y napakakupad sa pagtakbo.  ay dahil umaandar kasabay nito ang aking inip at alburoto dahil lumilipas ang magdamag nang wala ka sa piling ko.

 

 

kaya siguro nakakalungkot, nakakaburaot, nakakalunod.  nakakasuka, nakakasawa, nakaka-walang-gana.  nakakapanghina kung paanong halinhinang pumupuno ang mga damdaming ito sa isang sulok ng aking puso.  kung bakit mistulang wala sa tamang hulog ang mundo at kung bakit tinatakasan ako ng sigla at ng wisyo. 

 

 

kung bakit tayo nababagot sa kung nasaan tayo

ay dahil wala ako diyan at wala ka rin dito.

 

 

 

Nais kong lumayo sa mga anino't multo

Lumipad, mangarap ng isang umagang

Kasama kang naglalakad sa lilim ng mga puno

Hawak ko ang iyong kamay, sana 'di na matapos ito…

Kailan kaya muli?

 

:: Kailan : Session Road ::

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-12:20 am ni toi raquiza
(3) ang may toio

Wednesday, January 14, 2009
2.2

 

ART SOURCE

 

 

parang mga kiti-kiti na lang

na nalulunod sa sabaw

na pumalit yata sa 'king utak

ang mga salita't katagang

parte ng mga kwento't daldal

na sa iyo ko lang kayang italak

kaya't pasensiya ka na sa akin

kung wala man akong mapiga-piga

ni isang kapiranggot na patak

na di gaya noon na parang wala

na lang katapusan ang mga storya

at di ako matigil sa pagputak.

 

 

*blanko (pa din) – tula ni kilcher

 

 

 

 

ang mga kiti-kiting mistulang nalulunod

sa sabaw ng utak mong palagian ma'y inaantok

hindi lalaon sila'y magiging rin mga lamok

lilipad at kakagat sa puso kong walang lungkot

mga titik at katagang katahimikan ang bumabalot

pulu-pulupot man ay hindi naman salot

kaya ikaw ay huminahon at huwag kang magmukmok

maligaya ka sa piling ko'y iyan lang ang ikalulugod.

 

 

*sagot sa tula ni kilcher

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

*hindi namin balak magsulat ng tungkol sa mga kiti-kiti, lamok o dengue.

ninais lang naming isulat itong penomenang mistulang gumugupo sa mga salita at pumipipi ng mga tula*

 

2.2 noong 02 January 2009

 


 

 

 



LSS: Somebody Loved
Happiness
By The Weepies


naisulat noong ika-11:27 pm ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Tuesday, December 02, 2008
2.1

 

 

asahan mong mula ngayon pag-ibig ko'y sa iyo J

- mula sa kantang Sundo ng Imago –

 

salamat sa isang buwan ng pag-ibig at pagsuyo, mahal kita J

 

 

 

 

 

 

 





naisulat noong ika-10:30 pm ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Monday, November 24, 2008
'di katulad ng tula

 

 

huwag mo sanang ikagulat

kung wala akong maisulat

ni isang titik o pamagat

ni kapiraso o kalat-kalat

 

 

huwag mo sanang ikawindang

kung bakit salat at mistulang

walang mga letra o katagang

abot-kamay o palutang-lutang

 

 

huwag mo sanang itatanong

kung bakit walang mga pulutong

ng pangungusap o mga saknong

na namumutawi sa bugtong

 

 

huwag mo sanang ikagalit

kung hindi ko mapigil pilit

ang napipiping mga titik

nagtatampisaw sa pananahimik

 

 

huwag mo sanang ipagtaka

kung bakit 'di tulad ng tula

laman ka ng puso at diwa

kong nag-uumapaw sa ligaya.

 

 

 

ART SOURCE

naisulat noong ika-01:40 am ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Friday, November 14, 2008
lost and found in Japan

Venus Fort; Odaiba-Japan

salamat kay Moogs sa litratoJ

 

 

 

 

 

isang kwentong lost and found – iyan ang kwento ng paglalakbay ko sa Japan

 

isang kwento ng pagkawala, pagkaligaw at pagpaparaya.  pagpaparaya ng sarili para umibig muli at lumigaya.  kwento rin ng pagtunton, pagtuklas at pagtatagpo.  kwento ng dalawang mundong pinagtagpo sa isang espasyo. 

 

 

maiintindihan mo kung bakit hindi nabubura ang kahapon at kung paano ka hahabi ng istorya ng ngayon.  maraming nawawala, maraming nagbabago.  sumasabay sa marami rin naman natatagpuan at natatanto.  

 

 

mawawala itong mga konotasyong inipon at nililok ng panahon at historya.  sa likod ng mantsang ipinaskil ng digmaan at giyera, hitik ang bansang ito ng pag-usbong at pag-asa.  siksik at liglig sa imahinasyon at kultura -- sa lahat ng anyo, aspeto, mukha at tekstura.  nakaukit man sa kanilang mapa ang isang makulimlim na nakaraan; nakaguhit ring pirmi ang progreso ng kasalukuyan.  hindi mo man kabisadong lakbayin ang mga daan, alam mong mayroon kang tiyak na patutunguhan.

 

 

malulula kang tunay sa mga higanteng gusali at istruktura at malalaman mong kathang-isip lang ang kwento ni Godzilla.   mapapa-time-space-warp-ka pa na moda kahit alam na alam mong si Shaider ay lumaon na.  at ang kwento ng samurai hanggang sa Kung Fu Panda, ay mga alamat na kasing-hiwaga ng misteryo ng mga geisha.  at itong kanilang matatamis na ngiti, pinakatampok kasama ng sake at sushi.  maliliwanagan ka at maiintindihan mo, kung bakit napamahal nang husto si John Lennon kay Yoko Ono.  guguho ang lahat ng stereotypes sa utak mo at dagat-dagatang pananaw ang siyang mabubuo.  makikita mo ang lahat ay parang pelikula o parang anime extravaganzareal-life-setting ang sinematograpiya, isang piyesta espesyal sa iyong dambana. 

 

 

pero mawala ka man sa gitna ng ilang-daang madla, o sa paghahanap ng kung anumang hindi mo pa makita.  matatagpuan mo ang sariling maningning at malaya.  maaalala mong hindi ka nag-iisa.  malunod ka man sa hindi mabigkas na salita, maiintindihan mong may saysay ang bawat kataga't kabanata. 

 

 

at kung nagkaligaw-ligaw man ako sa hindi  mabilang na mga distrito.  napagod man ang mga paa sa layo ng nilakbay ko.  masalimuot man ang paglalakbay at ang buhay ay liko-liko; may pag-ibig na natagpuan itong aking puso -- hawak-kamay, nakangiti at nasa harapan ko. 

 

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-01:57 am ni toi raquiza
ano ang toio mo?

Sunday, November 02, 2008
cosmic

 

 

The probability of separate worlds meeting is very small.

The lure of it is immense. 

 

We send starships.  We fall in love.

Gut Symmetries; Jeanette Winterson

Art Source: Cosmic Love

 

 

 

 

 

naisulat noong ika-03:11 am ni toi raquiza
(4) ang may toio

Wednesday, October 22, 2008
may mundo sa bawat espasyo

 

 

S  P  A  C  E 
Give me wide open space
With the sun and the rain in my hair
Every breath that I take
Space to cross, no pain, no fear
Space to cross, far away from here…

 

:: Achinoam Nini, SPACE ::

 

 

 

 

 

 

 

kung may mundo sa bawat espasyo

at may puwang ka na sa puso ko

ikaw na ba ang bagong unibersong

kasamang iinog sa aking mundo?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

 

nag-w-word salad lang sa mga imahe, tekstura, aspeto at konsepto

 ng espasyo, mundo at uniberso J

habang namamahinga sumandali ang utak kong isip-isipin

ang aking pag-biyahe, paglalakbay at pakikipagsapalaran

sa isla ng Boracay at bansang Japan.  J

wooohoooJ ako na ang pinaka-excited sa sangkalawakanJ

 

ART SOURCE


 

 

 

 



pakinggan ang:
Calling
By Noa


naisulat noong ika-11:44 pm ni toi raquiza
(2) ang may toio

Next Page