|
huwag mo sanang ikagulat kung wala akong maisulat ni isang titik o pamagat ni kapiraso o kalat-kalat huwag mo sanang ikawindang kung bakit salat at mistulang walang mga letra o katagang abot-kamay o palutang-lutang huwag mo sanang itatanong kung bakit walang mga pulutong ng pangungusap o mga saknong na namumutawi sa bugtong huwag mo sanang ikagalit kung hindi ko mapigil pilit ang napipiping mga titik nagtatampisaw sa pananahimik huwag mo sanang ipagtaka kung bakit 'di tulad ng tula laman ka ng puso at diwa kong nag-uumapaw sa ligaya.
|
| Leave a Comment: |