Entry: 2.2 Wednesday, January 14, 2009



 

ART SOURCE

 

 

parang mga kiti-kiti na lang

na nalulunod sa sabaw

na pumalit yata sa 'king utak

ang mga salita't katagang

parte ng mga kwento't daldal

na sa iyo ko lang kayang italak

kaya't pasensiya ka na sa akin

kung wala man akong mapiga-piga

ni isang kapiranggot na patak

na di gaya noon na parang wala

na lang katapusan ang mga storya

at di ako matigil sa pagputak.

 

 

*blanko (pa din) – tula ni kilcher

 

 

 

 

ang mga kiti-kiting mistulang nalulunod

sa sabaw ng utak mong palagian ma'y inaantok

hindi lalaon sila'y magiging rin mga lamok

lilipad at kakagat sa puso kong walang lungkot

mga titik at katagang katahimikan ang bumabalot

pulu-pulupot man ay hindi naman salot

kaya ikaw ay huminahon at huwag kang magmukmok

maligaya ka sa piling ko'y iyan lang ang ikalulugod.

 

 

*sagot sa tula ni kilcher

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

*hindi namin balak magsulat ng tungkol sa mga kiti-kiti, lamok o dengue.

ninais lang naming isulat itong penomenang mistulang gumugupo sa mga salita at pumipipi ng mga tula*

 

2.2 noong 02 January 2009

 


 

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments