Entry: LDR Wednesday, March 11, 2009



 

ART SOURCE

 

Parang ang bagal ng takbo ng panahon kung wala ka

Alam kong walang dapat sisihin na ako'y nandito at nandiyan ka.

Pero dahil sa malayo ka, ako'y nalulungkot na…

Gusto na kitang makita; gusto na kitang makasama

Tayong dalawa…

 

 

:: Gusto na kitang Makita : Session Road ::

 

 

 

kung bakit tayo nababagot sa kung nasaan tayo

ay dahil wala ako diyan at wala ka rin dito.

 

 

kaya siguro palagian na lang itong pakiramdam na gusto kong magtago o kaya ay gusto kong mag-teleport at biglang umeskapo.  kung bakit nakakapagod minsan ang makihalubilo ay dahil paulit-ulit na lang ang mga tagpo o dahil walang bago sa mga senaryo.  o dahil sa hindi ko matagpuan sa madla ang iyong mukha o dahil ikaw lang ang hinahanap-hanap ko at gusto kong makita. 

 

 

kaya siguro pakiwari ko'y napakabagal uminog ng mundo at mistulang ang oras ay nananadya pa at naunukso.  parang ang lahat ay nasa slow-motion mode at mina-migraine na ako sa kakapanood.  kung bakit nakakaumay na ang mga araw na ordinaryo at ang mga gabi'y napakakupad sa pagtakbo.  ay dahil umaandar kasabay nito ang aking inip at alburoto dahil lumilipas ang magdamag nang wala ka sa piling ko.

 

 

kaya siguro nakakalungkot, nakakaburaot, nakakalunod.  nakakasuka, nakakasawa, nakaka-walang-gana.  nakakapanghina kung paanong halinhinang pumupuno ang mga damdaming ito sa isang sulok ng aking puso.  kung bakit mistulang wala sa tamang hulog ang mundo at kung bakit tinatakasan ako ng sigla at ng wisyo. 

 

 

kung bakit tayo nababagot sa kung nasaan tayo

ay dahil wala ako diyan at wala ka rin dito.

 

 

 

Nais kong lumayo sa mga anino't multo

Lumipad, mangarap ng isang umagang

Kasama kang naglalakad sa lilim ng mga puno

Hawak ko ang iyong kamay, sana 'di na matapos ito…

Kailan kaya muli?

 

:: Kailan : Session Road ::

 

 

 

 

 

   3 comments

ls
May 26, 2009   11:34 PM PDT
 
toi nakaya ko and guess what napakalaking pagpapala sa'kin ang pagkawala niya :)
toi
March 19, 2009   10:44 PM PDT
 
heya ls:)

hmnm...hmnm...kaya mo yan. everything happens for a reason :) at dumarating ang panahong kailangang ikaw naman ang mahalin mo minsan:) kaya mo yan, kaya mo yan:)
ls
March 19, 2009   09:53 PM PDT
 
toi..nabasa ko na ang 'yong tugon dun sa trivial...ngayon,nasa stage ako na subrang sakit napakasakit masakit.he told me that the reason he don't love me because i don't do something for him such us obey him or meet his expectations..the sad truth is that he will not love me when i follow his commands or meet those expectations such love is conditional . gusto ko na ring lumaya at makakaya ko rin naman unti-unti...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments