Entry: ang tula ng pag-ibig sa makata Thursday, May 28, 2009



 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Ng kahit anong nararamdaman

O kahit anong iniisip mo.

Ng anumang hinahanap-hanap

O lahat ng pumupuno

Ng iyong kalinangan,

Ng iyong pagkatao.

 

 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Ng anumang kathang-isip

at hindi totoo.

Ng anumang nilalaman

ng imahinasyon mo

Ng iyong haraya

Ng iyong buong puso.

 

 

Puwede kang magsulat

Ng kahit ano.

Huwag kang papipigil

sa kapangyarihan ko.

Akong binibigo ng mga salita't

Naulila sa mundong

Sa iyo na lang umiinog

Sa iyo na lang nabubuo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

ang tula ng pag-ibig sa makata

o kung bakit wala akong maisulat nitong kay tagal na.

ang puso ko'y nalunod na sa labis na ligaya. 

hinamak na ng pag-ibig pati ang mga salita at tula.

 

ART SOURCE

 


 

 

 

 

 

   2 comments

Aiz
October 27, 2009   11:04 AM PDT
 
*** puno ng isiping ikaw
na hindi pa handang pakawalan.
Aiz
October 27, 2009   10:51 AM PDT
 
Nagsimula ako sa paghawak ng pluma
panulat sana ng kahit ano
mula sa naiisip
binubulong, itinuturo
at binubuo ng konsepto
madaldal ang isip ko
at puno ng pangyayaring
hindi kayang ihulma sa ponema.


Sinimulan kong gumuhit
ng kahit ano
sa pinilas na pahina ng notbuk,
sa hinugot na tisyu,
sa tabi ng post no bill
sa trapal ng dyip,
kahit saan abutan ng musang
madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung dumalaw.

Nagsulat ako ng --- wala…?
Wala akong maisulat.
Tumakas sa akin ang sukat
at tugma sa iniimbentong saknong
tangay ng musa
na sumalin sa katauhan mo
habang ako’y napatungangang
puno ng isiping ikaw.


++++++
(pasensya na. nangahas akong sagutin.)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments