|
itong naka-paskil sa itaas, nakita ko nung gumala-gala ako sa love exists. super astig.:) hindi ako makahuli ng mga salita o makabuo ng mga tula nitong nakaraan. ligaya, ligaya, ligaya…walang mapaglagyan at umaapaw na ligaya. nakakapipi ng letra ngunit hindi ko naman iniinda - palagiang umiibig at walang humpay ang ligaya. :)
napag-usapan namin ni Tina na malamang sa malamang ay gagawa ako ng isang photoblog. ang pamagat: Captured Words.
mga salitang nahuli, hinuli, nakita, nakuha. mga salitang nakunan pero hindi nakukulong ng camera. mga salitang dumapo, dumating o bumisita sa akin. mga salitang natagpuan kahit hindi na hanapin. babalitaan ko na lang kayo kung nasimulan ko nang gawin.:)
|
| Leave a Comment: |