Entry: eklips Wednesday, July 22, 2009



 

 

habang tinatakluban ng anino ng bagong buwan

ang sikat at liwanag ng musmos na umaga

mistulang lumuluha sa tuwa ang mga diyosa’t diwata

yumayakap sa hangin ang tamis ng pag-ibig

tunog ng daang-libong tibok ng pusong nahuhulog mula sa langit

larawan ang buong mundo ng hinahon at payapa

at parang huminto ang oras nang mahigit pa sa kisapmata

hindi ipagpapalit at wala nang babaguhin

bukod sa hiwaga ng sandaling ito’y ikaw sana ay kapiling.

 

 

 

 


ART SOURCE

umuulan kaninang umaga kung saan ako nandito

habang ang total solar eclipse ay nagaganap

at nasasaksihan sa ibang parte ng mundo. 

maganda ang patak ng ulan sa umaga

at napapikit ako muli sa dalanging sana ay kasama kita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments